Friday, February 4, 2011

To my Girl

by James Earn Ablaza Esperida on Friday, February 4, 2011 at 8:39pm

I was seating down the moon

searching the wilderness of the night.

The heart, the soul are alone,

craving for a starlight.

And there was a star

that beats, glimmers and shines.

I feel the impulses from afar

through the wireless lines.

I can't help but stare.

Stare, watch and pause.

For I'll catch her on the air

if the space let her loose.

And even if the world

gets bigger and wider,

I had kept the word

she uttered to stay forever.

For it is too small for the distant lover

to find their destined place for destiny.

I have gone far to find her,

and, I know, the world had led me.

The Love War (The Most Tragic Life Story)

by James Earn Ablaza Esperida on Friday, February 4, 2011 at 8:21pm

KABANATA I

(Sa Park)

Wala pa ring pinagbago ang mukha ng parke. Ganoon pa rin, madilim. Maraming magkakasintahang naglaladian sa halamanan. Maraming mga adik ang naghihithit ng marijuana sa gilid. Maraming lasing ang nakahandusay sa sahig. Ganoon pa rin, katulad ng dati.

Kung ano ang mukha nito nang maging tambay at hari dito si Makisig, ganoon pa rin ngayong hirap na siyang tumakas sa kanyang kinaroroonan.

Malakas: (Iaabot ang yosi) Mukhang problemado ka ata ngayon ha!

Makisig: (Kukunin ang yosi ni Malakas at makikisindi) Hindi ko na alam 'tol ang gagawin ko.

Malakas: Yan ang napala mo, dapat kasi isa-isa lang. Para ka naman kasing mauubusan.

Makisig: (Ibubuga ang usok) Bahala na si Batman!

KABANATA II

(Sa apartment na inuupahan ng Kapatid ni Jasmin)

Jasmin: Aalis ka? Mag-aalas-tres na. Saan ka pupunta?

Makisig: Uuwi muna ako sa bahay.

Jasmin: Kailan ka babalik?

Makisig: Ewan ko, baka bukas o kung kelan ko gusto.

Jasmin: Ano bang problema mo?

Makisig: 'Wag mong paiinitin ang ulo ko Jasmin. (Aakyat ang hipag ni Jasmin, hihinaan ni Makisig ang boses nito) Malilintikan ka sa akin.

Jasmin: Bahala ka sa buhay mo.

Dali-dali siyang bumaba. Hindi nagpahalata ng bakas na nagkainitan na naman sila ni Jasmin. Mahirap na. Baka siya ang malintikan sa kapatid nito.

KABANATA III

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Kausap ang isang babae sa cell phone) Ano? Uuwi ka na?

Rosa: Bakit? Anong masama kung uuwi na ako?

Makisig: (Magpapaliwanag.) Ah eh, marami pa kasi akong gawain sa school. Busy ako lagi. Wala akong time.

Rosa: Ok lang yun. Basta, uuwi na ako sa October.

Makisig: (Ikukunot ang noo) Pero...

KABANATA IV

(Sa E-mall)

Lily: Akala ko nga eh malilimutan mo ang monthsary natin.

Makisig: (Pinakikinggan lang sinasabi ni Lily habang siya'y kumakanta) Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos...pag-ibig di matatapos. ♪♪♫♫♪♫♪

Lily: Saan na tayo pagkatapos nito?

Makisig: Ikaw bahala, basta hanggang 6 lang ako. May meeting pa kasi kami sa school pub. Sa McDo na lang tayo kumain. Ikaw, hindi ka pa ba uuwi? Anong oras ang last trip sa inyo?

Lily: Kahit anong oras.

Makisig: O sya, kantahin mo na yang song mo para makaalis na tayo ng maaga.

Lily: (Kakanta) I remember the days.. .when you're here with me ♪♫♪♫♫♫

KABANATA V

(Brgy. Tinago, Naga City - Peñafrancia Festival)

Magiting: Saan daw ba ang concert? Anong oras?

Makisig: Ewan ko. Basta pagkatapos nating mahanap ang bahay ni Sampaguita, magtatanong tayo kung saan ang concert.

Magiting: I-text mo na kasi. Tanungin mo kung saan banda ang bahay nila. Kanina pa tayo dito sa Colgante Bridge.

Makisig: (Tumunog ang cell phone) O, ayan, nagtext na. Sa may kanto daw sila malapit sa Brentwood. May kasama daw siya. Pwede mo yong diskartehan mamaya.

KABANATA VI

(Sa may Plaza)

Magiting: Manong, saan po ba ang concert ng spongecola?

Manong fishball: Sa LCC, kasu parang patapos na yun. (Ituturo ang kumpol-kumpol na taong naglalakad) Ayon o, uwian na sila.

Magiting: Paano yan no, saan tayo matutulog? Wala ng byahe.

Makisig: Marami dyan. Magmukhang plubi muna tayo. (Magtatawanan)

Magiting: Hindi na talaga kaya ang antok ko pare.

Makisig: Tara! Dito muna tayo sa sideway ng Emall.

Humiga ang dalawa ng ilang minuto.

Makisig: 'Tol, kakahiya dito kapag inabot tayo dito ng sikat ng araw.

Magiting: Saan pala tayo matutulog?

Makisig: Hindi mo ba naiisip ang naiisip ko B2? Sa cathedral.

KABANATA VII

(Sa Cathedral)

Makisig: Ayon ho, may mga nakahiga sa sahig ng monumento. Baka may bakante pa. Doon tayo.

Mahimbing na natulog ang dalawa. Hanggang sa...

Ding! Dong! Ding! Dong!

Magiting: 'Tol, bangon na dyan. Tayo na lang ang naiwan dito.

Makisig: (Dagling bumangon)

Ayos ang experience ng mga babaero. Umuwi sila nang umaga ding iyon.

KABANATA VIII

(Sa apartment)

Jasmin: Mukhang nahahalata kong bihira ka na lang ditong umuwi o matulog.

Makisig: Hindi ka ba nakakaintindi? Busy ako, busy!

Jasmin: Ok. (Yayakapin si Makisig) Naiintindihan ko naman.

Makisig: (Tatanggi) Tigilan mo nga ako.

Jasmin: Siyanga pala, gusto raw palang kausapin ni Mama si Mama mo.

Makisig: Ano? Nahihibang ka na ba? Di ba sabi ko, hindi pwede! Ayoko!

Jasmin: Eeee, yun kasi ang gusto ni Mama.

Makisig: Sabihin mo dyan sa Mama mo, kung may gusto siyang kausapin, ako ang kausapin niya. Wag na wag mong subuking papupuntahin siya sa bahay. Dahil kung hindi, hinding-hindi mo na ako makikita kailanman.

Jasmin: Sasabihan ko. Dito ka matutulog mamaya.

Makisig: Oo.

KABANATA IX

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Nagulat) Ano? Nandito ka na?

Rosa: Oo, sunduin mo na ako dito sa terminal ng bus. Bilis na!

Makisig: (Galit) Lintik naman oh!

Nagmadali siyang bumihis. Nagmamadali din siyang sumakay ng padyak papuntang terminal ng bus.

KABANATA X

(Sa centro)

Naglalakad sila. Pakiramdam ni Makisig, lahat ng tao ay nakatingin sa kanila. Para bang silang lahat ang magiging saksi sa kaganapan nang hapon din iyon.

Rosa: Punta muna tayo sa Liberty. May ibilhin lang ako.

Makisig: (Dumidistansya ng kaunti kay Rosa) Sige, bilisan lang natin.

Paglabas. Sa di kalayuan, kitang-kita ni Makisig si Jasmin. Nakatayo ito sa may waiting shade. Lagot. Lagot na siya.

Makisig: (Diretso lang, parang walang nakita) Saan pa tayo pupunta? Dito na lang tayo dumaan sa shortcut.

Rosa: Kumusta na kayo ni Jasmin?

Makisig: Di ba nga sabi ko saiyo magulo pa ang sitwasyon kaya hindi muna kita pinauuwi.

Rosa: Tapusin muna nga kasi ang relasyon mo sa kanya. Sabihin mo, ayaw mo na.

Makisig: Hindi yun ganoon kadali.

KABANATA XII

(Sa Park)

Kuya ni Jasmin: Ano 'tong nalalaman kong niluluko mo ang kapatid ko?

Makisig: Sino namang nagsabi niyan? (Nagpapaka-inosente)

Kuya ni Jasmin: May nagsabi sa akin na may babae ka raw.

Makisig: (Hindi nakapagsalita)

Kuya ni Jasmin: Subukan mo lang lukuhin yan si Jasmin. Ako ang makakalaban mo.

KABANATA XIII

(Sa Park ulit)

Makisig: Anong problema mo?

Jasmin: Wala.

Makisig: Wala? Bakit ako kinausap na gago mong kapatid? Na may niluluko daw kita?

Jasmin: Totoo naman talaga diba? (Tutulo ang luha)

Makisig: (Napapaiyak na din, ngunit pinipilit ang sarili) Totoo? Oo, totoo. Baka nakakalimutan mo ang ginawa mo sa akin.

Jasmin: Ano ba ang ginawa ko?

Makisig: Sabi sa akin ni Tala, ikaw daw ang nagsabi sa kanya na manloloko ako at meron daw akong iba kaya siya nakipag-break sa akin.

Jasmin: Hindi ko yun ginawa. Ba't ko naman iyon gagawin?

Makisig: Ewan ko. Basta sabi niya sa akin, ikaw daw yun at wala ng iba. Gusto mo papuntahin ko pa siya dito?

Jasmin: (Hindi umimik)

Makisig: Tapos, magsusumbong ka pa sa gago mong kapatid para takutin ako. Hindi ako natatakot sa kanya. (Umimpit ang tinig)

Jasmin: (Habang tumutulo ang luha) Alam ko, gusto mo lang maghigante kaya ginagawa mo 'to sa akin. At alam ko rin na gusto lang maghigante ni Rosa sa pinsan ko na ex niya. Kung niyang maghigante, wag niya akong idamay dahil wala akong ginagawang masama sa kanya.

Makisig: Huwag mo akong iiyak-iyakan dyan dahil hindi pa ako patay.

KABANATA XIV

(Oktubre 3, 2008)

Makisig: (Text kay Rosa) Gusto raw ni Jasmin na magsimba kami sa Hinulid. Pagbibigyan ko mo na. Huli na lang ito.

Makisig: (Text kay Jasmin) Asan ka na ba? Bilisan mo na dahil uuwi lang ako ng maaga.

Pag-uwi nila. Iniwan na ni Makisig si Jasmin sa Park. Umuwi na siya. Ang hindi niya alam, nandoon pala si Rosa sa lugar ding iyon.

Makisig: (Habang sumusubo ng kanin) Ano?

Isinantabi ang pagkain at dali-daling bumalik sa centro.

KABANATA XV

(Sa Park ulit)

Nag-aaway ang grupo nina Jasmin at Rosa nang dumating si Makisig sa parke.

Makisig: (Sasalubungin ng mga kaibigan)

Barkada 1: Pade, nag-aaway na ang mga babae mo.

Dali-dali niyang pinuntahan ang kinaroroonan ng dalawang pangkat. Nagsisigawan ang mga ito.

Makisig: (Aawatin ang gulo) Hoy! Hindi ba kayo nahihiya dito? Huwag nga kayong mag-away.

Rosa: (Ituturo si Jasmin) Yang kasing Jasmin na yan ang nagpasimuno.

Kaibigan ni Jasmin: (Ipagtatanggol ang kaibigan) Anong si Jasmin? Ikaw 'tong mang-aagaw.

Makisig: (Hirap awatin ang dalawang grupo) Kung pwede umalis ka nga muna dito Rosa.

Rosa: (Inalok ang mga kasama na pumunta sa Burger Machine) Halina na nga kayo!

Mga kaibigan ni Jasmin: Mag-usap nga kayong dalawa.

Makisig: (Magbwe-bwelo) Ikaw, (Ituturo ang si Jasmin, parang nangangalaiti) isa pa! Pinapainit mo ang ulo ko. (Sabay lilingon sa paligid, mabibigla sa makikita, nandoon pala ang kapatid ni Jasmin. Kaya iuurong ang daliri pababa.) Sino ba kasi ang nagpasimuno sa away niyong ito? (Hihinaan ang boses, mukhang natakot sa nakita.)

Jasmin: (Hindi kikibo.)

Makisig: (Pahapyaw na lilingunin ang kapatid ni Jasmin. Paalis na ito. Kaya uupo sa katabi ni Jasmin at tataasan ng kaunti ang boses.) Ano? Tinatanong kita?

KABANATA XVI

(Sa Park ulit)

Nakaupo si Makisig sa may pasilyo. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan. Biglang dumating ang kapatid ni Jasmin.

Kabarkada 1: Paano yan pade? Buntis na daw.

Makisig: Buntis na ano, sinungaling lang yan. Ako pa ang lililangin niya ngayon. Nagpaniwala ako noon sa mga kasinungalingan niya pero ngayon, hinding-hindi na ako maniniwala sa mga kalukuhan niya.

Kabarkda 2: Bakit? Ano ba ang mga sinabi niyang kasinungalingan saiyo?

Makisig: Marami. Ayaw ko ng isa-isahin pa. Ok na sana kami. Pero, ganyan pala ang ugali niya.

Kapatid ni Jasmin: (Darating at uupo sa tabi ni Makisig. Magsisialisan ang mga barkada niya) Paaalalahanin ko ulit saiyo 'to Makisig, 'wag na 'wag mong maluko-luko 'yan si Jasmin dahil ako ang una mong makakalaban.

Makisig: (Magpapaka-inosente ulit) Anong luko? Sino bang nagsabi saiyo niyan?

Kapatid ni Jasmin: Ano 'tong nalalaman kong mayroon ka daw ibang babae?

Makisig: (Magmamalinis) Wala akong babae. Magkaibigan lang kami ni Rosa.

Kapatid ni Jasmin: (Ititikom ang palad, parang nananakot) Malaman-laman ko lang na niluko mo si Jasmin... (Tatayo ang lilisanin ang lugar)

KABANATA XVII

(Sa Park parin)

Nandoon pa rin si Makisig sa Park. Parang wala pa siyang balak umuwi, gusto niya munang palamigin ang problema niya nang mga gabing iyon.

Jasmin: (Kasama ang Nanay niya) Makisig, gusto ka raw makausap ni Nanay.

Makisig: (Nagbilog ang mga mata. Parang nakakita ng maligno. Lalapit sa Nanay ni Jasmin at magmamano.) Bakit po?

Nanay ni Jasmin: Pupunta tayo sainyo. Gusto kong makausap ang Nanay mo.

Makisig: Ho? Bakit po? (Hindi alam ang gagawin)

Nanay ni Jasmin: Basta, gusto ko siyang makausap.

Makisig: Hindi ko po alam kung nandoon iyon ngayon. O baka tulog na po siya. Hindi ko po alam. (Hihinto, mag-iisip) Ako na lang po ang kausapin mo.

KABANATA XVIII

(Sa bahay ni Jasmin)

Nakaupo si Makisig sa tabi ni Jasmin. Pakiramdam niya ay nasa korte siya. Nasa harapan niya ang mga nakatatandang kapatid na babae ni Jasmin.

Nanay ni Jasmin: (Kay Makisig) Gusto ka naming makausap para maging malinaw sa amin ang problema ni'yo.

Makisig: Alin po ba?

Kapatid ni Jasmin 1: Sabi daw kasi nagkakalabuan na kayong dalawa ni Jasmin.

Makisig at Jasmin: (Hindi kikibo.)

Kapatid ni Jasmin 2: At ang sabi pa, meron ka daw ibang babae.

Kapatid ni Jasmin 3: Oo, yung walang hiyang si Rosa. Ex ng anak mo Ate. Gusto lang sigurong mag-higante tapos gagamitin pa si Makisig.

Makisig: Wala po kaming relasyon. Kaibigan lang po talaga ang turing ko sa kanya. Nagpapatulong lang po yun sa akin para daw makipagbalikan sa anak ni'yo. (Titingin sa kapatid ni Jasmin)

Nanay ni Jasmin: Kaya mong panagutan si Jasmin?

Makisig: (Hindi makakibo. Umaandar ang isip)

KABANATA XIX

(Sa bahay ni Makisig)

Pamangkin ni Makisig: (Papasok sa kwarto ni Makisig, gigisingin siya) Uncle, may naghahanap sa iyo!

Makisig: (Tatangging bumangon)

Pamangkin ni Makisig: (Bubulungan si Makisig) Uncle, nasa labas si Nanay ni Jasmin.

Makisig: Ano? Lintik naman o! (Dali-daling lalabas)

Lumabas siya ng bahay at naroon ang nanay ni Jasmin.

Makisig: Ano po?

Nanay ni Jasmin: Nandyan ba ang Nanay mo.

Makisig: (Gamit ang pakikipag-usap, hihilahin papalayu ang Nanay ni Jasmin) Wala po. Hindi ko po alam kung saan pumunta.

Nanay ni Jasmin: (Makikitang lalabas ang isang lalaki) Kapatid mo?

Makisig: (Hindi makakasagot)

Kapatid ni Makisig: Opo, bakit po?

Nanay ni Jasmin: Hinahanap ko kasi ang nanay mo, gusto ko lang makausap.

Kapatid ni Makisig: (Sisigaw sa likod ng bahay) Nay, may naghahanap saiyo.

Makisig: (Tulala. Hindi alam ang gagawin.)

Bago pa man makapasok ng bahay ang Nanay ni Jasmin, hindi na niya ito napigilan. Umalis siya ng bahay. Parang ayaw niyang masaksihan ang pag-uusapan ng dalawa.

KABANATA XX

(Sa likod ng bahay ni Makisig)

Makisig: (Tatanungin ang hipag) Nandyan pa ba yung nanay ni Jasmin. (Pabulong)

Hipag: (Magsesenyas) Wala na.

Nanay ni Makisig: (Makikita si Makisig na pasilip-silip sa sala.) Wala na. Ano ba kasi ang mga pinaggagagawa mo?

Makisig: Ano daw ang sabi?

Nanay ni Makisig: 'Wag na 'wag mo daw maluko-luko ang anak niya dahil mapapahamak ka daw. Sabi ko nga, wala akong alam sa mga sinasabi niya. At wala siyang magagawa kung ayaw mo na sa anak niya.

Makisig: (Hindi makapagsalita)

Nanay ni Makisig: Ayaw mo na ba sa babaeng iyon?

Makisig: (Hindi pa rin makapagsalita)

Nanay ni Makisig: Kausap-kausapin mo lang. Layu-layuan mo lang ng hindi ka nagpapahalata. 'Wag ka ng tumambay sa centro simula mamayang gabi. Iwasan mo na siya. Sabihin mo, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay dahil marami kang gawain sa eskwelahan.

Makisig: (Nakikinig lang habang ina-analyze ang strategy na itinuro ng kanyang nanay.)

KABANATA XXII

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Itetext si Jasmin) db sb q wag n wag mong ppuntahin d2 ang nanay mo?

Jasmin: ngpipilit kc si mama

Makisig: wla n. hinding-hndi n aq mkkpg usp sau, tndaan u yan!

KABANATA XXIII

(Oktubre 5, 2008)

Makisig: Hindi ako pwedeng pumunta dyan sa centro. Malilintikan ako dyan ng kapatid ni Jasmin.

Rosa: Eh, de ako na lang ang pupunta dyan sa inyo.

Makisig: Bahala ka. Basta hindi ako pwedeng magtambay ngayon. Delikado ang buhay ko.

Pakaraan ng ilang oras.

Makisig: Ano? Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi nga ako pwedeng pumunta dyan.

Rosa: Susunduin mo lang naman ako.

Makisig: O, sige.

KABANATA XXIV

(Sa gilid ng kalye habang naglalakad papaunta sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Iniyuko ang ulo) Lagot!

Rosa: Bakit?

Makisig: May nakakita sa atin. Siguradong isusumbong niya tayo kay Jasmin. Lintik naman o!

KABANATA XXV

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Titingnan ang oras sa cell phone) O, alas syete na. Umuwi ka na.

Rosa: Ihatid mo na ako sa centro. Kahit hanggang kanto lang.

Makisig: Na naman? Sige na nga, hanggang kanto lang.

KABANATA XXVI

(Sa kanto ng Lindas Pharmacy)

Makisig: Dumiretso ka nang umuwi. Wag ka ng tumambay pa dyan dahil baka makipag-away ka na naman.

Rosa: Nasa park daw ang mga kaibigan ko. Samahan mo na ako doon. Ihatid mo lang ako.

Makisig: O siya! Bilis na. Hindi ako pwedeng magtagal dito.

KABANATA XXVII

(Sa park)

Makisig: (Nabigla sa nakita. Nakikipag-away pala ang mga kaibigan ni Jasmin sa mga kaibigan ni Rosa) Lintik naman talaga o! Pahamak!

Wala siyang ibang nagawa. Nilisan niya agad ang lugar na iyon.

Makisig: (Sa isip habang nakasakay sa padyak) Lintik talaga! Bahala na. Wala akong ginagawang masama.

KABANATA XXVIII

(Sa bahay ni Makisig habang siya'y kumakain ng hapunan)

Makisig: Ano?????? (Nabigla sa text ng isa niyang kaibigan.)

Pade, ng-away n d2 sna Jasmin at Rosa. Ng2lakan pa. lagot k,pu2nta dw dyn ang nanay ni Jasmin.

Di ba sabi ko umuwi ka na. pls, umuwi k n, ayuko n ng gulo. pls lng

si jasmin kc ang nanguna, tinulak q

bat u p kc pntulan?

bsta, pumnta k n d2, nk-blotter aq d2 s muncpyu. indi aq pnpaalis d2.

umalis k n dyn, umuwi k n.

pade, ppunta n dyn ang nanay ni Jasmin

hi! Makisig, kala q b jam tau ngaun?

d aq pd, my prob kc aq now d q pd jan s centro

ok lng, dun tau s frend q

o sige, bsta snduin mo aq d2 s amin, bilis n.

umuwi k n. indi aq pd jan, gs2 ung matuluyan aq

indi nga aq pinapaalis d2

bahala ka

asan n u? sunduin u n q d2. bilis na.

Oo, punta n q jan, nu b kc nangyari?

maya q ikwento. bilis n, dhl bka d n q mkaalis p d2

KABANATA XXIX

(Sa bahay ng kaibigan ni Destiny)

Dhezt: Ano ba kasing kalukuhan ang ginawa mo?

Makisig: May nag-away kasi sa plaza kanina at ako ang dahilan.

Dhezt: Anong pinag-awayan?

Makisig: (Hindi nakasagot)

Makalipas ang ilang oras.

Dhezt: Ano ba Makisig? Mag-aalas dose na, matutulog na tayo. Kanina ka pa katetext dyan? Sino ba yan?

Makisig: (Balisa na) Ate ko. Nagtatanong kong nasaan daw ako?

Noy, pumunta d2 si Jasmin at ang Nanay niya. ng away dw saka ung isa mo pang syota. nu ba kc pnag ggawa mo?

Tapos anung nngyari?

Ayon, wanted k n dw sa centro. Wag k n dw mgpapakita s mga anak niyang lalaki dhil wala n dw mggawa ang Nanay niya kpg sinktan k ng mga kaptid niya.

ganun, ewan q b kc s babaeng yun, pnpauwi q n, nkipg away p

Nsan k b? umiiyk n c mama mu,

nand2 aq s kaibigan q, safe nmn aq d2,

saan dw yn at ppunthan k dw jan pra sunduin?

sbihin mo wg n, ihhtid nman aq bukas dyn, safe aq d2, sbhin mo wg silang mg alala

bhla k, bsta, wg k nlng dw jn aalis dhl bka mkita k, pumunta d2 ang pmilya niya, hinhnap ka

ok lng aq d2

Dhezt: Halika ka na nga, (Hihilahin si Makisig) matutulog na tayo! I-off mo na muna yan.

KABANATA XXX

(Sa kwartong tinutulugan nina Makisig at Dhezt)

Makisig: (Tutunog ang cell phone, may tumatawag)

Dhezt: Sino ba yan?

Makisig: (Lalabas ng kwarto) Hello! Ba't hindi ka na nagtext sa akin kung ano ng nangyari saiyo?

Rosa: (Umiiyak) Makisig, na-rape ako.

Makisig: (Nabigla) Ano? Paano nangyari yon?

Rosa: Hindi ako nakaalis agad. Di ba sabi ko saiyo naka blotter ako. Pinapapunta kasi kita doon hindi ka naman dumating (Patuloy ang hikbi)

Makisig: (Balisa) Di ba sabi ko, hindi ako pwede doon. Gusto mo bang madali ako ng mga kapatid ni Jasmin? Paano nangyari yun?

Rosa: Alas-dos na ako nakalabas. Pag-uwi ko (Hihinto. Iiyak.) Inabangan ako. (Iiyak)

Makisig: Hindi ka na hinintay ng mga kasama mo? Wala kang kasama pag-uwi mo? Ano? Magsalita ka?

Rosa: (Patuloy pa rin ang hikbi) Nakatakas ako. Duguan ako ng makarating ako sa amin. Nasaan ka ba?

Makisig: Pauwi na ako sa amin ngayon. Dito ako sa kaibigan ko nakituloy. Aalis na ako dito sa Calabanga. Magpakalayu-layo daw muna ako sabi ng pamilya ko.

Rosa: Isama mo na ako. (Iiyak)

KABANATA XXXI

(Sa bahay ni Makisig)

Nanay ni Makisig: Ano ba kasing pinaggagawa mo Makisig? Sobra ang pag-aalala namin kagabi.

Makisig: Wag na nga nating pag-usapan yan, lalo lang akong nababalisa.

Nanay ni Makisig: Dalhin mo lang iyong mga panlakad mong damit. Kung kulang ang damit mo sa Libmanan, magtext ka lang para maipadala ko doon.

Makisig: (Tutunog ang cell phone) May nagtext.. .

uzta? na-rape daw si rosa, mabuti pa sa kanya

%^$#$# ka! Alam ko pamilya mo ang may pakana nito.

anung pinagsasabi mo? dapt lng yun s knya. tynga pla, wg k mgpapakita s mga kptid q, bka anung gwin nila sau. asan ka ngaun?

wla kng pakialam qng nasaan mn aq

KABANATA XXXII

(Sa klase ni Sir OOO)

Sir OOO: (Mapapansin ang pagdating ni Makisig) Ano ba yan Makisig? Late ka na naman. Ano bang nangyayari sa'yo?

Makisig: (Hindi kikibo. Bubulong sa hangin) Ako na lang ang palaging nakikita ni Sir!

KABANATA XXXIII

(Sa 2nd flr. lobby)

Kaklase: Bakit parang ang dami mo atang dalang gamit kanina?

Makisig: Oo nga, 'yun ngang iba iniwan ko muna sa office ng school pub. Sa Libmanan na kasi ako titira.

Kaklase: Layo a! Bakit? May babae ka na naman?

Makisig: Mas malala pa dyan boy! Wanted na ako sa amin kaya sa magpapakalayu-layo muna ako.

Kaklase: Ayos ha! Anong nangyari?

Makisig: Basta, saka ko na lang ipaliliwanag. Gusto ko munang kalimutan iyon.

Kaklase: Mukhang mahabang kwento yan 'tol ha!

Makisig: Oo. Magkano na ba ngayon ang sim card?

Kaklase: (Tatawa) Mukhang may balak kang pumalit ng sim card. Ayos yan!

KABANATA XXXIV

(Sa bahay ng Ate ni Makisig)

Ate ni Makisig: Anong napala mo?

Makisig: (Hindi kikibo)

Ate ni Makisig: Daig mo pa kasi ang mauubusan ng babae.

Makisig: Pinagbibigyan ko lang naman sila kung gusto nila. Yun lang...

Ate ni Makisig: Pinagbibigyan? Anong nangyari? Na-wanted ka? (Tatawa na may halong pag-iinsulto.)

KABANATA XXXV

(Sa bahay ng Ate ni Makisig)

Barkada: (Tatawagin si Makisig) May narinig ako sa Bombo Radyo, ginaha daw. Yun na ba yung girlfriend mo?

Makisig: Ewan ko. Wag na muna nating pag-usapan iyan. Lalo lang akong nababalisa.

KABANATA XXXVI

(Sa lobby)

Kaklase: Kumusta na ang buhay wanted?

Makisig: Wag nga kayong ganyan. Pinagsisihan ko na 'yun.

Kaklase: Owws, talaga lang.

Lumipas ang taon. Ang dati niyang buhay malaya ay napalitan ng isang bangungot na hinding-hindi na niya kayang imulat. Ang lahat ng kanyang kinatatakutan ngayon ay bunga ng mga ginawa niya sa nakaraan.

Marahil, hindi lamang si Makisig ang may kasalanan sa pangyayaring ito. Ngunit, ganoon pa man, siya pa rin ang puno't dulo ng mga ito.

Hanggang ngayon, umaasa siya ng pagpapatawad nang sa ganoon ay magkaayos na rin ang kani-kanilang pamilya.

Marami siyang natutunan sa pag-ibig. Ang puso, handang magmahal anumang oras o kaninuman. Ngunit, mapusok ang puso ng tao. Kaya nitong ibigin ang lahat ng puso sa mundo. Kung kaya't, ang taong nagmamay-ari nito ay kailangang marunong mag-alaga ng kanyang puso para sa isang tao lamang.

Dahil ang pusong nasaktan, minsan gumagawa ng paraang manakit din ng kapwa puso.

Barrio Girl

by James Earn Ablaza Esperida on Friday, February 4, 2011 at 7:59pm

TAGPU I

(Sayawan sa San Roque)

Dumarami na ang mga nag-aabang sa kanto. May nakaporma, at meron ding simpleng damit o polo. Maya-maya pa'y, may nagsisigaw na isang lalaki.

Huminto ang trak. Nagmamadaling sumakay ang mga kabataang naghihintay lang sa libreng sakay papunta sa sayawan. Lalaki man o babae.

At habang mabilis na lumilipad ang trak, hindi nila maiwasang magsisigaw sa daan. At kapag narinig mo na ang alingawngaw ng sound system, isa lang ang ibig sabihin nyan. Kunting metro na lang, malapit na ang mga adik sa sayawan.

At isa si Makisig sa naging adik noon sa sayawan. Iba-ibang lugar, basta ba'y may susundo sa kanto, lagi lang silang andar ng kanyang mga kaibigan.

Ngayong ngang gabing ito, iba naman ang naging destinasyon ng yugyugan.

Huminto ang trak. Naliliwanagan ang paligid ng iba't-ibang kulay ng ilaw mula sa sayawan. Halos mararamdaman mo na rin ang paggalaw ng lupa, na parang inaayun ka na ring sumabay sa tugtog.

Nagsibabaan na ang lahat. Nagkumpol-kumpol sa kani-kanilang pangkat, nag-uusap-usap. Ang iba, pinag-uusapan kung pwedeng maka-discount sa entrance.

Meron ding may kani-kanilang technique. May isang magbabayad ng entrance para makapasok. Maya-maya ay lalabas. Sa kanyang pagbalik, may makikisabay na barkada at para walang makahalata. Paulit-ulit hanggang sa lahat na kasama niya ay makapasok sa gate ng libre, ng hindi nahahalata.

May mga nag-iisip din kung papaano mapepeke ang ginagamit na tatak ng tresurera sa gate. Minsan, may magbabayad na isa (kadalasan ay babae dahil mas mababa ang bayad) at habang hindi pa natutuyo ang tinta o cuticle na itinatak sa kanyang kamay o kuko, agad siyang lalabas upang ipasa sa isa, dalawa at hanggang tatlong kaibigan ang malabnaw na entrance mark ng sayawan.

Ngunit ang grupo ni Makisig ay talagang walang perang pang-entrance sa ni isang kasamahan na siyang didiskarte sa tinatawag na "pass the gate pass".

Barkada 1: Ang tagal namang mag-open gate. Mag-aala una y media na.

Barkada 2: Walang ibang 'choice', mag-oover the bakud tayo.

Dumarami na ang tao sa loob ng bulwagan. Mapang-akit na rin ang mga tugtugin na parang hinihila na siya para pumasok. Dalawa na lang silang natitira.

Makisig: Naku namang tanod 'to. Hindi umaalis sa katabi ko.

Barkada 1: (Sinisenyasan siyang pumasok na sumingit sa barikada.)

Makisig: Yes, umalis na ang tanod.

At nang siya'y makadaan na sa barikada, biglang may kumalabit sa kanya. Hinila siya ng tanod pabalik sa labas ng sayawan.

Makisig: Badtrip. Nakakahiya tuloy sa mga taong nakakita sa akin. (Habang tanaw na tanaw niyang pinatatawanan siya ng kanyang mga kaibigan.)

At sa ikalawang pagkakataon, nagmumukha na naman siyang magnanakaw sa gabi. palingon-lingon sa paligid. Bagamat sa may bahaging madilim na siya lulusot, alam niyang baka katulad ng dati, may tanod lang sa paligid na nagmamasid. Baka mapahiya na naman siya.

TAGPU II

(Sa loob ng sayawan)

Barkada 3: O, nakalusot ka na pala.

Makisig: Lintik kasing Tanod 'yun.

Tumigil ang pag-ikot ng mga ilaw. Parang may pinahihiwatig. Oo, sweet na nga talaga ang tugtog.

Makisig: Tamang-tama pala ang pasok ko.

Nagsimula ng maglibot-libot ang mga lalaki. Samantalang ang mga babae naman, nagkukunwari pang ayaw, nagpapakipot kahit gusto naman.

Makisig: (Inilibot niya ang kanyang mga mata, parang isang bubuyog na naghahanap ng makulay na bulaklak sa gitna ng parang.) Ayon, may isang babaeng pinagpipilahan. Pero, parang ayaw magpakabit.

Tinungo niya ang kinaroroonan ng magandang dalaga. Maraming mga lalaki ang nagpupumilit na hingin ang kanyang kamay.

Makisig: (Nakisiksikan din sa mga nag-aalok ng sayaw.) Miss, can I dance you tonight? (Oo, Ingles talaga ang sinabi ni Makisig. At may akto pang luluhod ito. 'Yun ang naisip niyang trip na pwedeng magustuhan ng dalaga.)

At gaya ng kanyang inaasahan, sa kanyang kamay iniabot ng dalaga ang palad nito.

Mga Kabarkada: (Nagsigawan) Lupet mo boy!

Makisig: Ano nga pala ang pangalan mo?

Tala: Kapag may nagtatanong sa akin kung anung pangalan ko sa mga gaya nitong sayawan, nagpapakilala ako bilang Bituin. Pero ang tunay kong pangalan ay Tala.

Makisig: (Habang humihigpit ang yakap) Ganoon ba, mukhang pinagpipilahan ka kanina ha!

Tala: Oo nga, hindi naman kasi ako nagpapakabit kani-kanino lang. Taga-saan ka nga pala?

Makisig: Taga-Pagatpat ako. Ikaw?

Tala: Taga-rito lang ako sa San Roque, mdeyo malayu-layo lang dito ng kaunti.

Makisig: Mahilig ka siguro sa mga sayawan, ano?

Tala: Hindi naman, kapag pinapayagan lang ako ni Mama.

Makisig: Istrikto siguro si Mama ano? May boy friend ka na?

Tala: Boyfriend? Wala no.

Makisig: May pag-asa pala. (Tatawa)

Tala: Bakit hindi? (Magtatawanan sila. Walang tinig. Parang may pagtitimpi sa kanilang mga ngiti.)

Tala: Marunong ka bang sumayaw ng cha-cha?

Makisig: (Nanlalaki ang kanyang mga mata) Cha-cha? Ah, eh. (Hirap magpaliwanag na hindi) Kung tuturuan mo ako, bakit hindi?

Tala: Cha-cha tayo pagkatapos nito.

Makisig: Naku po!

Tala: Ano?

Makisig: Wala, sabi ko 'sure'.

Natapos ang sweet, sinundan ito ng cha-cha. Katulad ng sinabi ni Tala, hindi nakapagtanggi si Makisig. At sinundan pa ito ng modern dance.

Makisig: (Nag-iisip) Mukhang mapapalaban ako dito. Pagod na pagod na ako.

Tala: Ok ka lang ba?

Makisig: Ah, ok lang. (Mag-iisip ulit) Walang kapaguran ba tong babaeng ito?

Tala: Kaya mo pa ba?

Makisig: Ah, oo. Basta ba ikaw ang kapartner ko ayos lang ako.

Tala: Gusto mo turuan kita mamaya mag-square dance?

Makisig: (Sa isip) Square dance, naku! Naninigas na ang athritis ko. (Tatango.)

Walang kasawaang sayaw. Pagod na pagod man si Makisig ngunit parang bale wala lang ang mga ito dahil maganda naman ang kanyang nahanap nang gabing iyon.

Napagod din si Tala. Umupo sila sa gilid. Nagkwentuhan. Hiningi ni Tala ang contact number ni Makisig. Humingi si Makisig ng maliit na pirasong papel sa may tindahan at doon isinulat ang kanyang cellphone number.

Natapos ang sayawan. Nanakit ang kasu-kasuan ni Makisig.

TAGPU III

(Sa bahay ni Makisig)

Kinaumagahan, nakatanggap si Makisig ng text message, galing kay Tala. At doon na nga nagsimula ang panliligaw ni Makisig.

Nagpapasama siya sa kaibigan niyang doon mismo nakatira malapit kina Tala.

TAGPU IV

(Sa Park)

Malakas: Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo?

Makisig: Oo, doon muna ako makikituloy sa inyo, mga ilang araw lang. Palalamigin ko lang 'tong ulo ko.

Malakas: Paano kong hanapin ka ng mga magulang mo?

Makisig: Bahala sila, problema na nila yun. Ano ba? Papayag ka ba o sa iba na lang ako makikituloy?

Malakas: Sige na nga. Hintayin mo na lang ako sa labas, mamaya pang ala dos ng umaga ang labas ko.

TAGPU V

(Sa bahay ng Anti ni Malakas)

Malakas: Pasensya ka na dito kina Anti.

Makisig: Ayos lang yan. Malapit lang ba dito ang bahay ni Tala sa inyo.

Malakas: Hindi ko alam pero hahanapin natin mamayang gabi. Maglalakad-lakad tayo.

Makisig: Baka mapagtripan tayo.

Malakas: Ano ka ba 'tol! Malakas ako dito sa amin.

TAGPU VI

(Sa tapat ng bahay ni Tala)

Tala: Mabuti naman at nahanap ni'yo itong bahay namin. Bakit ka nga pala naglayas sa inyo?

Makisig: Wala. Wag mo ng intindihin iyon.

Malakas: (Bubulong kay Makisig) 'Tol, ipakilala mo naman ako jan sa kasama ni Tala.

Makisig: Maliwanag, gusto ka raw makilala ni Malakas.

TAGPU VII

(Sa bahay ng Anti ni Malakas)

Makisig: Doon muna ako mamaya magtatambay kina Tala, tutal papasok ka pa sa tinatrabahuhan mo. Pupuntahan na lang kita doon, mga alas syete ng gabi.

Malakas: Hindi na ako papasok doon.

Makisig: Bakit naman?

Malakas: Basta, hindi ko na gusto ang pamamalakad nila.

Makisig: Dapat magpaalam ka muna bago ka umalis sa trabaho.

Malakas: Hindi na kailangan, alam na nila yun. Basta mamaya, sama tayo papunta kina Tala. Ilakad mo naman ako kay Maliwanag.

TAGPU VIII

(Sa gilid ng kalye)

Dumaraan ang prosisyon. Malapit na kasi ang piyesta sa kanilang barangay. Magkakaroon na naman ng sayawan sa bisperas ng kapiyestahan.

Malakas: Mukhang masaya ka ngayon ha! Parang hindi mo man lang iniisip ang paglalayas mo.

Makisig: Ano ka ba pare, sinagot na ako ni Tala.

Malakas: Ganoon? Ayos! Dapat may celebration yan.

TAGPU IX

(Sa tinutuluyan nina Malakas at Makisig, pagkalipas ng isang linggo)

Makisig: 'Tol, magpapaalam na ako sa Anti mo.

Malakas: Bakit? Itatanan mo na si Tala?

Makisig: Hindi, uuwi na ako sa amin. Hindi ko na kaya.

Malakas: Tapos, anong sasabihin sa Nanay mo.

Makisig: Ma, sorry po. (Magtatawanan ang dalawa)

TAGPU X

(Sa sayawan)

Masama ang panahon. Malakas ang ulan na parang may bagyo. Ganoon pa man, hindi iyon naging hadlang kay Makisig na pumunta sa sayawan.

Tala: Umuwi ka na pala sa inyo.

Makisig: Oo. Hindi na ako nakapag-paalam pa saiyo dahil biglaan kasi.

Tala: Kaya pala hindi ka na nakapunta sa amin ng gabing iyon.

Bumuhos ang malakas na ulan. Lumabas muna ng bulwagan sina Makisig at ang isa niyang kaibigan. Hindi niya pa nakikita si Malakas nang gabing iyon.

At nang tumila na ang ulan, lumabas sila para bumalik sa sayawan. Masyadong maputik kung kaya't patalon-talon ang lakad ni Makisig, umiiwas sa mga putik. Nakayuko siya habang naglalakad, tinitingnan ang dinadaanan upang hindi maputikan ang pantalon.

Nang biglang... .

Masaya: Ano yon?

Makisig: Ano yon?

May isang lalaking bumalak na umbugin si Makisig, nagkataon na umilig siya pakanan upang iaapak ang kanyang paa sa bato, kung kayat hindi siya tinamaan. Mabilis na tumakbo ang lalaki sa malayo at madilim na looban.

Nagsilapitan ang mga grupo ni Makisig.

Barkada 1: Ano yon Makisig?

Makisig: Wala. Nagdya-jumping rope lang yun.(Tatawa-tawa ngunit may halong kaba at takot.)

Barkada 2: Tara, lakad-lakad tayo doon.

Malakas: Nakilala mo ba?

Makisig: Hindi eh, nakayuko kasi ako. Hindi naman ako tinamaan.

Barkada 4: Kahit na, dahil kung may patalim iyon at tumama sa balikat mo, lagot ka boy!

Makisig: (Kinabahan ngunit hindi nagpahalata) Hindi na natin yun mahahanap. Tumakbo ng mabilis, akala siguro hahabulin ko rin siya. Hahaha

Nang umuwi si Makisig, laking pasasalamat niya sa maputik na daan. Dahil kung hindi, malamang nadali siya noong lalaking iyon. Laking pasalamat niya sa Diyos.

TAGPU XI

(Sa park)

Malakas: Ayun si Tala, puntahan natin.

Makisig: 'Wag na. Doon na lang tayo sa Nineballs.

Malakas: Bakit naman?

Makisig: Break na kami.

Malakas: Bakit?

Makisig: May nagsabi daw sa kanya na manloloko ako at may iba daw ako. Kaya break na daw kami.

TAGPU XII

(Sa Park ulit)

Malakas: 'Tol, ayon si Tala.

Makisig: (Hinigpitan ang yakap sa babaeng katabi.) Sinong Tala?

Akala ni Makisig, iyon na ang tunay niyang pag-ibig. Doon niya natutunang kahit gaano mo kamahal ang isang tao, kung wala kang pagtitiwala dito, maaaring masira ang tatag ng inyong pagmamahalan.

Marahil, kung hindi lang siguro naniwala si Tala sa sabi-sabi ng iba, hanggang ngayon ay sila parin ang magkasama.

Love Contract


by James Earn Ablaza Esperida on Friday, February 4, 2011 at 6:58pm

KABANATA I

(Linggo, sa Medroso Park)

Kasabay ng pagtugtog ng kampana, nagsilabasan na rin ang mga tao sa simbahan. Tapos na ang misa. At katulad ng dati, mas puno pa rin ang Medroso Park.

Naglakad-lakad sina Makisig at ang kanyang kaibigang si Masaya. Inanod sila ng siksikan sa gitna ng parke. Doon, malapit sa pinagitnang ilaw ay naalinigan nila ang dalawang dalaga.

Lumapit sila sa kinaroroonan ng dalawang kamag-aral ni Masaya, sina Maligaya at Makiling.

Masaya: (Ipakikilala si Makisig sa dalawa) Siya nga pala, si Makisig, kaibigan ko.

Makisig: (Hindi makapagsalita, nakatitig kay Maligaya. At nag-isip) Hanep 'to. Ang ganda.

Masaya: (Ipakikilala ang dalawang kamag-aral) Sina Maligaya at Makiling.

Makisig: (Makikipagkamay. Una kay Maligaya, sumunod kay Magiliw.) Hi!

KABANATA II

(Pauwi na sina Makisig at Masaya)

Masaya: (Nangungutya) Parang tinamaan ka kay Maligaya, ano?

Makisig: (Hindi umiimik.)

Masaya: Sorry ka na lang, may syota na 'yun.

Makisig: (Iiling) Ganoon ba, sayang.

KABANATA III

(Sa bahay ni Makisig)

Pumunta sa bahay ni Makisig si Masaya. Doon kasi ito madalas tumatambay.

Masaya: (Tatawa-tawa) Ang galing mo Makisig.

Makisig: Bakit naman?

Masaya: Type ka daw ni Makiling.

Makisig: Sinong Makiling?

Masaya: Hindi mo ba natatandaan? Iyong kasama ni Maligaya na nakilala natin sa Park.

Makisig: Iyon ba. Hindi naman siya ang type ko. Ang gusto ko, si Maligaya. Bakit? Ano daw ang sabi?

Masaya: Tinanong ako kung may syota ka na raw. Sabi ko, wala.

Makisig: Tapos...

Masaya: Sabi niya, kung pwede ka raw niyang maging syota.

Makisig: Ganoon ba? Sabihin mo, available. (Tatawa.)

KABANATA IV

(Sa bahay ni Makisig)

Tumunog ang cell phone ni Makisig. Gaya ng kanyang inaasahan, may text galing kay Makiling. Nang araw ding iyon, nagkakilala silang dalawa.

Nahulog na rin ang loob ni Makisig kay Makiling ngunit hindi pa rin nawawala ang kanyang nararamdaman kay Maligaya.

KABANATA V

(Sa Sto. Niño, Quipayo)

Napapadalas na ang tambay ni Makisig sa Quipayo. Meron siyang takot na baka siya'y mapagtripan sa lugar na iyon. Ngunit, daig parin ito ng kanyang kagustuhang makita ang nililigawan. Bagamat hindi niya alam kung sino ba talaga ang gusto niyang makita, si Maligaya kahit may kasama itong iba, o si Makiling na natututunan na rin niyang mahalin.

Wala ng araw na hindi siya pumupunta sa Quipayo. Karamihan sa mga tambay doon ay nag-aral din sa kanyang pinasukang paaralan. Doon niya rin muling nakita ang naging mga kaklase niya sa isang summer class noong siya'y nasa elementarya. Dahil dito, naramdaman niyang secured siya sa lugar na iyon.

Kabarkada 1: (Iaabot ang basong tagayan) Parang nahahalata kong lagi ka na rito sa amin ha!

Kabarkada 2: Hindi mo ba alam, manliligaw yan ni Makiling.

Kabarkada 3: Ganoon ba, 'wag kang mag-ala-ala, walang mangyayari dito saiyo. Safe ka dito.

Makisig: (Di makaimik habang pinagmamasdan si Maligaya. Itutungga ang tagay.)

KABANATA VI

(Sa bahay ni Makisig)

Parang gusto niyang magsisigaw nang siya ay umuwi sa kanilang bahay. Lahat na lang ng taong nakakasalamuha niya ay masaya. Pati ang stuff toy na Pooh ay pakiramdam niya'y nakangiti na rin sa kanya. Parang nagdidiriwang ng kasiyahan ang buong mundo.

Makisig: (Kausap si Masaya) Sinagot na ako ni Makiling. Ngunit, love contract lang. Ayos na ayos yun sa akin. Hindi naman ako seryoso sa kaniya.

Masaya: Ano ba 'yang love contract na sinasabi mo?

Makisig: Nagkasundo kami na maging love contract ang aming relasyon. 'Yun bang pagkatapos na isang buwan, kapag hindi nagwork ang relationship namin, pwedeng hindi na namin i-renew ang aming love contract.

Masaya: Astig ha!

KABANATA VII

(Sa Sto. Niño, Quipayo ulit)

Mukhang naiimpluwensyahan na rin si Makisig ng kanyang mga barkada. Natatangkilik na rin niya ang maging RASTA. Mahilig na din siyang magsuot ng may tatlong kulay ng RASTA, ang berde, dilaw at pula.

Makisig: Ano kaya kung magpa-tongue pierce na rin ako?

Masaya: Subukan mo lang daw gawin iyan, ibe-break ka ni Makiling.

KABANATA VIII

(Sa NCF)

Masyadong naging abala si Makisig sa kanyang pag-aaral. Bagamat tambay siya, hindi niya pa rin pinapabayaan ang kanyang pag-aaral.

Sulatan muna sila ni Makiling. Minsan na lamang siyang pumunta sa Quipayo, o kung pumupunta man siya doon ay maaga lang siya kung umuwi.

KABANATA IX

(Sa Octagon, JS Prom nina Makiling)

Araw ng mga puso. Ito rin ang huling gabi ng puso Makisig kay Makiling.

Marami na ang gawain sa School publication. Malapit na rin ang Final kung kayat marami na namang gawain si Makisig, projects, researches at kung anu-ano pa. Wala naman siyang dapat ikabahala, tutal love contract lang naman sila ni Makiling. Hinihintay na lang niyang dumating ang kanilang 19 ng susunod na buwan upang sila'y makapagdesisyon kung renew o tapos.

Halos nagsisimula na ang JS Prom Night ng dumating si Makisig sa Octagon. Doon kasi ginanap ang nasabing pagdiriwang dahil sa masama ang panahon.

Nang gabi ding iyon, nakita niya si Makiling sa kanyang mala-dyosang suot. Naka-puti.

Nag-usap sila. Ngunit panandalian lamang dahil may exam pa si Makisig kinabukasan. Nagpaalam siya at ibinigay ang Valentine Card at bulaklak bilang simbulo ng kanyang simpleng pag-ibig dito.

KABANATA X

(Sa bahay ni Makisig)

Dumating na ang araw na marahil ay hinihintay nilang dalawa sa tinagal ng isang buwan. Ang araw ng pagtatapos ng lahat ng kanilang mga kahibangan sa buhay pag-ibig.

Hawak-hawak ni Makisig ang kanyang cell phone. Parang gusto niyang si Makiling na mismo ang unang mag-text sa kanya. At siya na lang ang magkukumpirma ng kanilang paghihiwalay.

Hanggang inabot ng gabi ay wala pa rin ni isang text mula kay Makiling.

Makisig: (Patingin-tingin sa kanyang cellphone. Hindi makakatiis. Susubok ng i-text si Makiling.)

Hi! Musta na?

(Mga ilang minuto bago dumating ang reply.)

Ok lang, kaw?

(Mga ilang minuto ding sumubok mag-reply. Ngunit bago niya matapos ang kanyang mensahe, may dumating ng text mula kay Makiling.)

,muzta n lovelife? my new gf k n?

meron n,

ganun, preho pla tau. sna maging masaya k s piling niya.

ganun din aq, sna magng msya k dn s bgu mong bf.

Iba ang pakiramdam ng kanilang paghihiwalay ng landas. Walang hinanakit. Walang sama ng loob. Walang galit. Ang naging desisyon nilang dalawa ay pawang pagpaparaya sa kanilang mga puso may tibok na nakalaan para sa iba.

Nang gabi ding iyon ng Marso bente-singko, naitaktak na ang kanyang karanasan sa bagong pag-ibig. Ang butas sa kanyang dila ang tatak ng isang nasaktan at nagparaya.

Bago pa man tuluyang nawala sa hangin ang mga sumunod na text messages mula sa isa't-isa, naisantabi na ni Makisig ang larawan nilang dalawa nang huling gabing makausap niya ang kanyang dyosa.

HEART-BREAKER

by James Earn Ablaza Esperida on Friday, February 4, 2011 at 6:29pm
The one who broke my heart is the one who taught me to become a heart-breaker.

TAGPU I

(Sa bukana ng 3rd year Building)

Kabilang si Makisig sa mga campus journalists ng The Quest. Naghahanda sila para sa nalalapit na panlalawigang Press Conference. At dahil 3rd year adviser ang moderator ng kanilang publication, doon na mismo sila sa may bukana malapit sa room nito.

Ngunit, sa halip na makapag-concentrate, nawawala ang kaniyang pokus dahil sa mga estudyanteng labas pasok sa kanilang mga silid-aralan.

At dumating ang pagkakataong nangailangan si Makisig ng papel. Hindi siya nag-atubiling humingi sa mag-aaral ng III-2. Nagkataong sa may bintana siya ng inuupuan ni Marikit dumungaw.

Makisig: (Sa may bintana) Hi! Pwede bang makahingi ng isang tablet paper?

Marikit: (Lumapit kay Makisig) Wala akong papel eh. Teka lang at makikihingi ako. (Naglibot si Marikit sa mga kaklase nito at humingi ng papel. Bumalik kay Makisig at iniabot ang hinihingi nitong papel.)

Makisig: (Timaan ng pana ni Kupido) Maraming salamat, Ms. Beautiful.

Nang hahakbang na siya paalis, bigla niyang inurong ang kanyang mga paa.

Makisig: Teka Miss, ano nga pala ang pangalan mo?

At natapos ang maghapong training sa pagsusulat, pabalik-balik siya sa silid-aralan ni Marikit. Wala siyang natapos ni isang editoryal.

TAGPU II

(Sa bukana ng 3rd year Building, ulit)

Panay ang pakikipagsuyuan ni Makisig kay Marikit. Gabi-gabi siyang gumagawa ng love quotes para kay Marikit. Walang araw na hindi siya nakapagbibigay ng nakakalanggam na love quotes.

Minsan, nagpadala ng sulat si Marikit kay Makisig na naglalaman ng "Bakit ba panay na ang pagbibigay mo sa akin ng love quotes? At sa dinami-dami pa ng pwede mong ibigay ay love quotes pa, hindi pa naman Valentine?"

At ang love quotes ay nauwi sa mga love letters. Sinagot ni Makisig ang tanong ni Marikit, nang may paligoy. Halatang torpe si Makisig. Ngunit, gayun pa man, nalaman din ni Marikit ang hangarin ni Makisig.

Iba ang kanilang mga love letter, si Marikit minsan sa mga papel na sa tingin niya ay magandang pagsulatan ng love letter. Kay Makisig naman, minsan sa sigarilyo (tinanggal ang laman at isinuksok ang nakaroll na sulat). O kung ano pa man na astig lagyan ng sulat.

TAGPU III

(Sa klasrum ni Makisig)

Kaklase: Makisig, may naghahanap saiyo?

Makisig: (Nagmamadaling lumabas ng klasrum at kinuha ang sulat na dala ng kaklase ni Marikit.)

Mga Kaklase: (Nagtatawanan ang mga kaklase ni Makisig.) Uy! In love na si Makisig.

Makisig: (Pumasok sa C.R. at doon sinarili ang mundo habang binabasa ang sulat mula kay Marikit.)

TAGPU IV

(Sa bahay ni Makisig)

Bagamat na nabasa na niya ang mga sulat ni Marikit. Paulit-ulit niya itong binabasa. Minsan may patawa-tawa pa na parang baliw. May paikid-ikid pa na sa sobrang kilig at aliw.

TAGPU V

(Sa CR ng klasrum ni Makisig)

Binabasa niya ang sulat mula kay Marikit. Ayaw pa nitong tanggapin ang panliligaw ni Makisig. Una, baka raw kasi malaman ng kanyang mga magulang. Pangalawa, hindi pa raw siya handa.

TAGPU VI

(Sa bahay ni Makisig)

Hindi na napigilan ni Makisig ang sumigaw. Bakit kaya? Pumayag na siguro si Marikit na ligawan siya ni Makisig.

Makisig: (Binabasa ang sulat.) Payag na akong manligaw ka... ngunit sa isang kundisyon... kailangan ay walang makakaalam ng ating relasyon... hindi dapat ito malaman ng aking mga magulang... at hindi rin dapat ito malaman ng aking mga kamag-aral.

Agad namang tumugon si Makisig. Sumang-ayon naman siya.

TAGPU VII

(Sa JS Prom)

Sumasayaw ng kutilyon si Makisig. Ngunit iba ang kanyang ka-partner. At habang inaalon siya ng tugtog, gumigian din ang kanyang pakiramdam. Unti-unting nawawala ang pagkamanhid ng kanyang puso.

Halina: (Habang sumasayaw sila ni Makisig ng sweet. Si Halina ay kaklase at kaibigan ni Marikit.) Kumusta na kayo ni Marikit?

Makisig: (Tumatangging pag-usapan ang tungkol sa kanila.) Ewan.

Halina: (Kayo na bang dalawa.) Ewan ko sa kanya.

Nagkatagpo sila ni Marikit sa gitna ng sayawan. May iba itong ka-partner.

Makisig: (Nagkukunwaring hindi nakikita si Marikit. Lalong nilalambingan ang yakap kay Halina.)

Halina: (Nakita si Marikit.) Ayon si Marikit.

Makisig: 'Wag na lang nating pansinin. Ito ang gusto niya. Pagbibigyan ko siya.

Natapos ang Prom. Umuwi siyang hindi man lang kinausap si Marikit.

TAGPU VIII

(Sa klasrum ni Makisig.)

Kaklase ni Makisig: Makisig, may naghahanap sa'yo.

Makisig: (Nag-busy-busy-han. Ngunit hindi nakatiis kung kayat lumabas din. Nakita niya ang kaklase ni Marikit sa labas. Siya iyong tagapagdala ng kanilang sulat.)

Kaklase ni Marikit: Meron ka daw bang sulat kay Marikit.

Makisig: (Nagkunwaring meron kahit wala naman talaga.) Ahhh, eh, meron kasu hindi pa tapos, pwede balik ka na lang mamaya.

TAGPU IX

(Sa garden ng 4th year)

Kaklase ni Marikit: (Lalapit kay Makisig.) Bakit daw hindi ka na sumusulat kay Marikit?

Makisig: Marami kasi akong project, maraming kailangang gawin. Basta, magpapadala na lang ako.

TAGPU X

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: (Binabasa ang sulat ni Marikit) Sumulat ako sa iyo para tanungin ka kung galit ka ba sa akin? Bakit hindi ka na sumusulat sa akin? Congrats nga pala dahil Salutatorian ka. Ang galing mo talaga.

At sa huling pagkakataon, sumulat si Makisig kay Marikit. Ito ang ilan sa laman ng kanyang sulat.

Dear Marikit

Pasensya ka na kung hindi na ako nakakapagsulat saiyo. Busy na kasi lalo pa't malapit na ang graduation. Kung payagan kang pumunta dito sa amin sa aking graduation, maghihintay ako sa iyo.

TAGPU XI

(Sa bahay ulit ni Makisig, graduation day)

Sumulat si Marikit na hindi ito makararating dahil hindi siya pinayagan ng kanyang ina. Iyon na iyon na lang ang huling sulat na natanggap ni Makisig kay Marikit. Hindi na kasi siya kailanman tumugon pa sa sulat ni Marikit lalo pa't pinanindigan niya ang kanyang sinabing iyon na lang ang kanyang huling sulat dito.

Lumipas ang mga araw. Nasa kolehiyo na si Makisig. Baon niya pa rin ang mapait na ala-alang iniwan sa kanya ni Marikit.

TAGPU XII

(Sa cell phone)

Sa hindi matatandaang pagkakataon, nagkaroon sila ng komunikasyon.

Hi!

Hu u pho?

Marikit.

Ahhh, kaw pla yan. Musta n?

Ok lang aqoh, kaw?

k lng din, ma grad k n db?

Oo nga.. .blah blah blah

Napapadalas ulit ang kanilang usapan, kwentuhan. Ganoon pa man, hindi pa rin nawawala sa isipan ni Makisig ang paghihigante. Kung hindi man kay Marikit ay sa ibang katulad ni Marikit.

Hi? gdpm, txt2x tau

ahh.. .k

san k?

d2 aq s hauz. kaw?

d2 din hauz,

pwd b ludan u aq ng 15 lng, byadan q lng bukas, tnx

ahh, sori. i don't hv money

ok, salamt n lng

Makisig: (Sa kanyang isip) Ang kapal no? Nangungumusta lang, hihingi lang pala ng load.

TAGPU XII

(Sa labas ng bahay ni Makisig)

Lumipas na ulit ang panahon. Wala na silang komunikasyon. Nagpalit na kasi si Makisig ng bagong contact number. Habang siya nakaupo sa may padyak na nakaparada sa may kalye, biglang humihip ang hangin at tinangay ang sinaksakyan ni Marikit. Sa mabilis at 'di inaasahang pagkakataon, nagkita ulit ang dalawa.

Isinulat ni Makisig sa kanyang journal:

January 3, 2008

It happened last few days before December has ended. Accidentally, while I was seating at the padyak, contemplating some thoughts, she passed along the way. Gush! She looked prettier and lovelier than before.

She gestured, and as I guessed it "she doesn't have mobile phone anymore".

Wait, let me think that particular day, it's either Dec. 28 or 29.

TAGPU XIII

(Sa bahay ni Makisig)

After some years,

Makisig: (Tumunog ang cellphone at binasa ang txt.)

Hi?

Who are you?

It's me, Marikit.

Oh, how are you?

ok lng me. congrats nga pala, pasado ka na

panu u nlaman?

bumili kc aq ng newspaper, nabasa q name mo s mga passers

ahhh, thanks. pakisabi pla kay ate mo, congrats din sa kanya

Kaibigan kasi ni Makisig ang kapatid ni Marikit. Nagpapalitan sila ng reviewer para sa LET. Dahil dito, nagkaroon ng komunikasyon sina Makisig at ang kapatid ni Marikit. Kung kaya siguro nakuha ni Marikit ang mobile number ni Makisig.

Napadalas ulit ang kanilang pag-tetxt sa cellphone.

TAGPU XIV

(Sa bahay ulit ni Makisig)

Marami ng nagbago kay Makisig nang maranasan niyang lukuhin siya ni Marikit noong siya ay nasa High School pa lamang. Iyon ang naging dahilan kung bakit naisipan ding maghigante nito sa mga kababaehan. Ang maglaro din sa apoy ng pag-ibig. At ngayon, sa mga nagawa niyang mali sa mga sumunod niyang naging kasintahan, isa lang ang naging sanhi nito. Ang sugat na hindi kailanman humilom sa kanyang puso.

Love Letter

by James Earn Ablaza Esperida on Wednesday, February 2, 2011 at 6:05pm

UNANG TAGPU

(Sa Tanod-Outpost)

Tumatakbong dumating si Makisig sa dati nilang tagpuan, ang Tanod Outpost na ginagawa nilang palaruan hanggang abutin sila ng gabing pawisan.

Makisig: (Inisa-isa niya ang kanyang mga kalaro. At naglaro ang kanyang isip.) Parang may naiiba. Oo. Sino ba 'tong babaeng ito na kausap ng isa sa aking mga kalaro.

Kalaro 1: O, andyan ka na pala. (Parang nahalata niyang gusto siyang tanungin ni Makisig kung sino yang babaeng kausap niya.) Siya si Mayumi. Baguhan dito sa atin. Galing siyang Maynila.

Mayumi: (At itinitig niya ang kanyang mga mata kay Makisig.) Hi!

Makisig: (Parang may malakas na hanging tumangay sa kanyang katinuan. Hindi siya nakapagsalita.)

IKALAWANG TAGPU

(Sa bahay ng kanyang kalaro)

Kalaro 1: Ikaw ha, parang may nahahalata ako saiyo.

Makisig: (Tulala)

Kalaro: Crush mo si Mayumi, anu?

Makisig: Tulungan mo nga ako sa kanyang manligaw.

IKATLONG TAGPU

(Sa gate ng bahay ni Mayumi)

Kalaro 1: (Iaabot ang torpeng sulat.) Meron daw gustong ipabigay saiyo si Makisig.

Mayumi: Ano 'to?

At tinawag na siya ng kanyang Nanay.

IKA-APAT NA TAGPU

(Sa bahay ni Makisig)

Kalaro 1: Makisig! (Nagsisigaw ang kanyang kalaro na siyang tulay sa kanyang panliligaw.) Halika! Meron ng sulat saiyo si Mayumi.

At binasa ni Makisig ang sulat ng gabing iyon. Binasa niya. Paulit-ulit. At may kasama pang mga ngiti. Minsan, Ingles ang sulat ni Mayumi. Medyo nahirapan din si Makisi na intindihin iyon dahil hindi pa naman siya masyadong magaling sa Ingles noon.

----------------------------------------------------------------

Pupunta ba kayo dito mamaya?

YES ♥

NO ☺

----------------------------------------------------------------

Ganyan ang mga sulat ni Mayumi. Bata pa talaga sila kung kayat may halo pang mga guhit at nilalagyan pa ng mga kulay.

Lumipas ang mga araw. Napapadalas na ang tagpuan nila ni Mayumi. Napapadalas na lang pag-uusap nila. Pero, torpe minsan itong Makisig. Minsan hindi siya kumikibo o nagsasalita.

----------------------------------------------------------------

Do you really love me?

(Pls. Color your answer.)

YES ♥

NO ☺

----------------------------------------------------------------

Kung minsan naman ganito ang kanilang sulatan.

----------------------------------------------------------------

Pakisagutan at pakibalik sa akin mamaya.

_____ love you!

----------------------------------------------------------------

IKALIMANG TAGPU

(Sa bahay ni Mayumi)

Naglalaro sila ng Scrabble. At palihim naman mag-uusap sina Mayumi at Makisig. Habang wala ang Nanay ni Mayumi.

IKA-ANIM NA TAGPU

(Sa bahay ni Makisig)

Kapatid ni Makisig: Ano yong nalalaman kong nanliligaw ka na daw kay Mayumi? Ang bata-bata pa ninyo para maging magkasintahan. Galit ang Mama niya. Sabi sa akin, pagsabihan daw kita. Itigil mo na nga yang kahibangan mo.

IKA-PITONG TAGPU

(Sa gate ng bahay ni Mayumi)

Nakarinig siya ng palakpak. Tumakbo siya papalabas. Sinilip niya sa may puno ang nakasingit na sulat ni Makisig. Palihim na lang ang kanilang sulatan. Di na rin nakakapunta sa bahay ni Mayumi sina Makisig at ang kaniyang mga kalaro.

Dumaan pa ang mga araw na naging mahigpit ang Kuya ni Makisig. Minsan ay hindi siya nito pinalalabas ng bahay.

Ginawang issue ng mga kapitbahay nila na sila daw ay mag-pinsan kung kayat hindi sila pwedeng mag-kaibigan.

IKA-WALONG TAGPU

(Sa bahay ni Makisig)

Makisig: Wala na si Mayumi? Bakit ganoon?

Kalaro 2: Doon na daw ulit sa Maynila papag-aralin ng kanyang Nanay.

Parang gumuho na naman ang mundo ni Makisig. Tanging naiwan sa kanyang mga kamay ay ang mga sulat sa kanya ni Mayumi kasama na ang isang larawan nito.

IKA-SIYAM NA TAGPU

(Sa bahay ni Makisig)

Pagkalipas ng tatlong taon.

Kalaro 2: Makisig! Bilis! May sasabihin ako saiyo!

Makisig: Ano yon?

Kalaro 2: Umuwi si Mayumi.

IKA-SAMPUNG TAGPU

(Sa bahay ni Mayumi)

Naglalaro sila ng Scrabble. Bukas na ulit ang pinto nina Mayumi sa kanila. Hindi na masyadong istrikto ang kanyang Nanay. Sa isip nito, limot na siguro ng dalawa ang kanilang naging relasyon.

Makisig: ( Sa isip niya) Parang may nahahalata ako sa kanya. Parang nagiging tibo na siya kung kumilos.

Mayumi: (Tinawag si Makisig upang tumabi sa kanya. Ipinakita ang notebook na naglalaman ng listahan ng kanyang naging mga crushes. Kay Makisig niya lamang iyon ipinakita.)

Makisig: (Nanlalaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang kanyang pangalan. At nagbulong ang kanyang isip.) Hhhhaaaayyy!

IKALABING-ISANG TAGPU

(Sa bahay ni Makisig)

Bumili si Mayumi sa tindahan nina Makisig. Ibang-iba na ang kilos nito. Parang tomboy na. AT hindi lumaon, dumating ang balitang may kasintahan ng babae si Mayumi. Parang ayaw paring kumbensihin ni Makisig ang kanyang sarili na tomboy na nga talaga si Mayumi.

Pero para kay Makisig, babae pa rin ang Mayuming kanyang hinangaan noon at ngayon.

First Love

by James Earn Ablaza Esperida on Wednesday, February 2, 2011 at 12:28pm

KABANATA I

(Sa loob ng klasrum – Grade I)

Habang nagleleksyon si Ginang Amy Amier.. .

Makisig: (Magkahawak ang kamay nila ni Maganda. Natatakpan lang ng bag ni Makisig ang mga kamay na pinagdadaluyan ng tibok ng kanilang mga puso.) Mahal mo ba talaga ako?

(Mahina niyang ibinulong.)

Maganda: (Nagkukunwaring nakikinig sa guro. At pabulong na ibibigkas ang sagot.) Oo naman, ikaw lang ang mahal ko.

Maglalakad-lakad ang titser, maglilibot-libot.

Makisig: (Bibitawan ni Makisig ang kamay ni Maganda. Marahan, parang hindi sumasang-ayon. At pabulong ding ipagpapaubaya sa hangin ang mga kataga na siyang magdadala patungo sa puso ng kanyang sinisinta.) Doon ulit tayo sa ating tagpuan mamayang recess.

At tumunog na ang bell.

KABANATA II

(Sa likod ng silid-aralan)

Parang iba ang pakiramdam ni Maganda ng umagang iyon, may nalaman siyang balita. Parang iba ang kanyang kinikilos, parang may iba.

Maganda: Pano yan? May gusto pala saiyo si Mahinhin?

Makisig: Paano naman nangyari yun? Siya lang naman ang tumulong sa akin para mapalapit sayo.

Maganda: Ah basta, sabi niya sa akin, may gusto daw siya saiyo.

KABANATA III

(Sa likod ulit ng silid-aralan)

Makisig: Totoo ba ang sinabi sa akin ni Maganda, na may gusto ka raw sa akin?

Mahinhin: Sinabi nya sa’yo yun?

Makisig: Oo, pero mahal ko si Maganda at siya lang ang paka iibigin ko.

Tumakbo si Mahinhin, may luha sa kanyang mga mata.

KABANATA IV

(Sa likod ulit ng silid-aralan)

Makisig: Lagot, nakita tayo ni titser na magka-holding hands kanina.

Maganda: Ikaw naman kasi ‘di mo tinakpan ng bag.

KABANATA V

(Sa silid-aralan)

Tatay ni Makisig: (Kakausapin ang guro.) Ma’am, ayaw ko na po sanang papasukin ‘tong si Makisig dahil ang taas ng lagnat niya, kasu nagpipilit pa rin pong pumasok. Ayaw daw niyang mag-absent.

Ginang Amier: Makisig, ayos lang naman sa akin na magliban ka muna ngayon. Mag-rereview lang naman kami ngayong araw kaya hindi ka naman makaka-skip ng lesson ngayon.

Makisig: (Hindi kumikibo. Parang naka-glue ang kanyang mga paa sa sahig na kanyang kinatatayuan.)

Ginang Amier: Sige na nga po, papapasukin ko na si Makisig, pero kapag hindi na niya po kaya, magsabi lang siya.

Tatay ni Makisig: (Unulit kay Makisig ang sinabi ni Ginang Amier.) Oh, sige na. Pumasok ka na. Dito lang ako sa labas maghihintay. Sabi ni titser mo, kapag hindi mo na kaya, magsabi ka lang para umuwi na tayo.

Parang maglulundag si Makisig sa tuwa. Umepek ang kanyang power.

KABANATA VI

(Sa silid-aralan)

Maganda: Giniginaw ka na Makisig.

Makisig: Hiiiinnnndiiii….

Maganda: Umuwi ka na muna, magpahinga ka para gumaling ka kaagad.

Makisig: MMmmmaaaaggg-uuuusaaappp ppppaaa nggga tayyyooo mammmmayyya eeehh.

Hindi na nakayanan ni Makisig ang kanyang lagnat. Siya na mismo ang nagsabi sa kanyang Tatay na uuwi na siya.

KABANATA VII

(Sa likod ng silid-aralan)

Makisig: (Ibibigay ang bulaklak ng gumamela na nakatanim sa likod ng kanilang silid-aralan.) Mahal mo ba talaga ako Maganda?

Maganda: Di ba nga sabi ko, oo. Hindi ako papayag na agawin ka ni Mahinhin sa akin.

Tumunog na ang bell. Tapos na ang recess. Nag-iwan siya ng halik.

KABANATA VIII

(Sa bintana ng silid-aralan ng Grade II-C)

Makisig: Paano yan? Magkaiba na ang section natin ngayon. Magkalayo na tayo. Hindi ko na mahahawakan pa ang mga kamay mo.

Maganda: Ok lang yan, Makisig. Mag-uusap pa naman tayo tuwing recess.

Tumunog na ulit ang bell.

KABANATA IX

(Sa likod ng room ng Grade II-C)

Makisig: Mukhang napapadalas na ang ating pag-uusap. Malapit na ang bakasyon, hindi na naman tayo magkikita.

Maganda: (Nakikinig lamang kay Makisig habang nakatitig ito sa kanyang mga mata.)

Tumunog na ulit ang bell.

KABANATA X

(Sa silid-aralan ng Grade III, unang araw ng pasukan)

Makisig: (Sumisigaw sa tuwa ang kanyang isip.) Yes! Isa lang ang section ng Grade III, makakatabi ko ulit si Maganda.

Inilibot niya ang kanyang mga mata, ngunit wala ang magandang mukha ng kanyang sinisinta.

Makisig: (Kakausapin si Mahinhin na pinsan ni Maganda.) Bakit wala si Maganda?

Mahinhin: (Ipaliliwanag kay Makisig.) Lumipat na siya sa Maynila. Doon na siya magpapatuloy na kanyang pag-aaral. Doon na daw kasi sila titira.

Parang gumuho ang mundo ni Makisig, nagtatakbo siya papunta sa dati nilang tagpuan.

KABANATA XI

(Sa room ng Grade VI)

Makisig: Umuwi na ba ng Bicol si Maganda?

Mahinhin: Hindi pa rin.

Makisig: Kailan sila uuwi dito.

Mahinhin: (Walang binitawang kataga.)

KABANATA XII

(Sa College Library)

Makisig: Ano ba ‘to? Kanina ko pa hinahanap ang kanyang pangalan pero di ko parin matagpuan.

Nanlalaki ang kanyang mga mata nang makita nya sa search panel ng Friendster ang nag-iisang pangalan ni Maganda.

Naroon ang ilan sa impormasyon tungkol sa kaniya. Parang gusto na agad niyang maniwalang ang babaeng iyon ang matagal na niyang hinahanap. Nagpadala siya ng Friend request. Nag-iwan din siya ng mensahe na nagtatanong kung siya nga ba mismo ang hinahanap niya.

Muli niyang binalikan ang kanyang Friendster Account. Wala paring kumpirmasyong na tinangggap na ni o ng kapangalan ni Maganda ang kanyang sulat-troniko.

Walang bakas ng pagbisita nito sa kanyang FS account. Halatang hindi nagalaw ang kanyang profile.

Huminga na lang siya ng malalim.