Friday, February 4, 2011

First love daw never die

by James Earn Ablaza Esperida on Tuesday, February 1, 2011 at 10:34pm

February 1, 2011

Sabi-sabi nila,

ang unang pag-ibig daw

hindi agad-agad nawawala.

Naitatatak sa puso

dahil kung saan ito ipinunla

doon din ito tutubo.

Tama nga sila,

dahil nang aking balikan,

nandoon pa rin sa likuran

ng ating silid-aralan

ang gumamelang namulaklak lang

nang gawin natin itong tagpuan.

Pero bakit ganoon,

'di ka pa rin bumabalik ngayon?

Kung totoo ngang "first love never die"

magagawa kong maghintay

hanggang sa huling hininga at himlay.

----------------------------------------------------

Para kay Claire Asas

ang First Love ko noong Grade 1

No comments: