My literary when I was in fourth year high school, I had found it this May 9, 2009.
Madalas mong sabihin
Na ika’y tao lang
Na ang lahat ay tila
Basura lamang.
O diba totoo?
Pero di mo alam na ang bawat
Lugar na tinatahak mo:
Mahirap, magulo, masikip
At higit sa lahat walang
Tiyak na paroroonan.
Sa ganitong sitwasyon,
Madalas mo ring banggitin
Na dapat matagal ka ng sumuko
Dahil basura ka lang
Na dapat ay matagal ng tinapon
Sa tabi ng daan.
Pero ang di alam
Marami pang batang-lansangan
Ang umaasa sa’yo
Nang magkalaman
Ang kanilang tiyan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment