Monday, July 13, 2009

inlab kasi

Nakikisabay pa ang mga tugtugin sa nararamdaman ko. Nakakahibang mang isipin ngunit heto na talaga, nagsisimula na akong mabaliw sa mga titig at ngiti mo.

Kung maaari lang ay huwag mo ng subukang idako sa akin ang maamo mong mga mata, kung ayaw mong tuluyan na ako ritong matulala at mawalan ng malay. Gayundin, ang iyong ngiti. At baka hindi pa isang minuto ay walang-wala na ako sa aking sarili.

Ano ba kasing mga tugtuging ito! Lalo lang nitong pinapalakas ang pintig ng aking puso, ang pintig na maaaring huminto at mawala kung ititigil mo na ang pagsulyap at pagngiti sa akin. Kung gayon, ako’y mamamatay.

No comments: