Monday, July 13, 2009

Centro

ilang tagay pa kaya ang tutunggain ko? mukha atang kunti na lang ang kakayanin nitong sikmura ko at maya-maya'y baka magsusuka na ako sa kinauupuan kong ito. inaamats na ako. hindi ko na nga nababasa ang lyrics ng kinakanta sa videoke nitong katabi kong bading, si Pablo. Pang-limang long neck na'to. halata na ring nine balls na ang mga kasama ko. pero itong bago ko palang na nakilalang bakla ay kanina pa titig nang titig sa akin. kaya imbis na malasing, lalo tuloy akong nagiging conscious sa mga galaw ko na walang sawa niyang sinisine.

'Putang yosi 'to." hindi ko naiwasang magmura nang mapaso ang kamay ko ng hawak kong sigarilyo. ang hindi ko namamalayan, kanina pa pala napupudpod ang lights na hindi ko nahihits sa sobrang pagkalasing at pagkabalisa ko lalo pa't kapag ang mapang-akit niyang tingin ay dumadako na sa aking harapan.

Lintik naman o. Natrapik pa sa akin ang last shot. Nakakahiya naman kong magpa-pass ako.

"Sige na, take the last shot. huwag kang mabitin, may susunod pa." at hinimas ang harapan ko. diin. hindi ko alam kong matatawa ba ako o mapapa-walk out dahil hindi ko na talaga kaya. kelan nga ba ako natutong iputa ang katawan sa mga bakla? iyon ata 'yung nakilala ko ang mga kabarkada kong pumapatol sa bading. hindi e. teka. ah, oo. iyon pala iyong neromansa ako ng pinsan kong bakla. ang lupit noon. elementarya pa lang ako noon. alam na alam niya na ang kwarto ko. kaya tuwing gabi. mamamalayan ko na lang na nasa kwarto ko na pala siya. kaya walang duda, heto ako sa harap ng mga bakla. ewan ko lang kong kanino ako mabubugaw ngayong gabi. wala pa sa isip kong mamili, dahil itong tagay ang pinoproblema ko ngayon.

inabot pa ako ng ilang minuto bago ko tuluyang tinagay at nilunok ang sobrang pait na matador. kaya tuloy, ginamit ko na ang iistrategi ng isang inaamats na ngunit ayaw malasing- huminga ng malalim, inom ng kunting tubig, tungga, titira ng kunti sa basong tagayan, inom ulit ng tubig, ihahalo ang mapait na likido sa malamig na tubig at sabay na lulunukin. susundan pa ng pagtapon ng natirang alak sa tagayan at sabay kuha ng pulutan. para bang isang paslit na pinapainom ng gamot. dudurugin ang tableta ng medicol sa kutsarang may kunting tubig at hahaluan ng asukal nang mawala ang pait. o 'di kaya'y ipapasak sa laman ng saging saka lulunukin ng buo.

“Ang sarap mo pala.” Banggit nitong bakla na kaharap ko kanina sa loob ng aliwan. Sanay na ako sa mga salitang iyan. Maramin ng nagsabi na sa akin niyan sa tuwing hinahalay na ang musmos kong katawan. At siya nama’y patuloy ang hagod sa aking ari.

Heto na naman ako. Walang pinagbago. Katulad parin ng dati. Bagamat naroon pa rin ang pagnanais na magbago, patuloy at patuloy paring hinihila ng karanasan at ng mga taong minsan ng humubog sa maruming pagkatao.

Hindi ko na alam ang mga sumunod sa eksena sa loob ng gay bar na iyon. Hindi ko na nga namamalayan ang oras at kung ilang oras pa ako tatagal sa lugar na ito nang hubo’t hubad katulad ng mapagmasid na buwan na tanging saksi sa kahalayan nitong aking kaniig.

Naliligo na ng laway ang buo kong katawan ngunit para bang isang sanggol na sayang-saya sa pagkalong ng isang ina. Alam kong mali ngunit wala akong magagawa. Para bang bisyo, kung alin ang bawal ay siyang masarap. Sa lumang gusaling ito, muling nahubaran ang aking pagkatao.

hay! kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa isip ko. pati iyong istilo ni mama sa pagpapainom sa akin ng gamot ay nakuha pang maging patalastas nitong kay gaan-gaan kong ulo. si mama talaga. naaalala ko tuloy iyong isang beses na makitaan niya ako ng maraming tsikinini sa katawan. ang daya naman kasi ni Mateet nang una ko siyang makilala sa Centro. bagong dating galing Maynila at namamasukan bilang call center agent. ang sabi ko, huwag niya akong lagyan ng tsikinini. ginawa ko na ngang takpan ng tuwalya ay nasilip pa rin ni mama. si mama naman parang si Kris Aquino, inintriga kung ano raw ang mga lata sa leeg at katawan ko. wala na rin akong naisagot nang umagang iyon kasi wala na rin akong naisip na rason. halatang-halata naman kasi.

ang nanay talaga. Siya lang ang nakakaintindi sa akin. pero hindi niya nagawang magalit. hindi tulad ni papa na sampal ang inabot ko noong mahuli niya ang pinsan kong bakla na nasa loob ng kwarto ko. ako naman na tanga. pag labas ko sa banyo matapos kong maghugas, ayon, parang Statue of Liberty. toink! wala na akong naisumbat. di bale, sampal lang iyon. kinabukasan, parang wala lang akong ginawang live show. kaya ng gabing iyon, nagduda sila na baka ganoon ang pinaggagawa ko sa tuwing magtatambay ako sa centro tuwing gabi.

balik tayo ki mama. akala ko Kris Aquino lang ang kaya niyang i-portray, pati pala si Mother Teresa. sabi niya, "bakit mo ginagawa ang mga bagay na ito? may utak ka. bakit hindi mo ginagamit sa tama? bakit dinudumihan mo ang iyong pagkatao?" ako naman, parang wala lang. ganito talaga katigas ang ulo ko ng mga araw na iyon.

sino ba kasing mag-aakala na ang isang achiever at iskolar na ito ay ganito pala karumi ang kalukuhan sa buhay? kaya ayaw na ayaw kong tinatanong ako ng mga nakikilala kong bakla kong nag-aaral daw ba ako, saan, at anong kurso. hindi ko kasi nasisikmura ang isasagot ko na ang callboy na ito ay magiging teacher pala balang araw. wala na akong matuturo kung moralidad ang pag-uusapan. bagsak na ako dyan.

Ewan ko ba kung bakit ang layo ng isip ko habang katalik itong aking kauri. Pumasok pa sa kukuti ko iyong palaging sinasabi sa akin ni mama bago ko nililisan ang bahay patungong tambayan. “May pasok ka pa bukas. Agahan mo ang uwi mo, huwag kang masyadong magpupuyat.”

ngunit, parang araw ba ng mga puso at si mama ang kupido. Palagi niya kasi akong pinapayuhan tungkol sa ibang anggulo ng aking pagkatao noong nabubuhay pa siya. Kaya naman, hanggang ngayon, baon ko pa rin ang mga salitang iyon. tumusok talaga sa puso ko iyong mga binitawan niyang salita. dahil nang pumasok ako sa kwarto ko, doon na lumabas lahat-lahat na realisasyon. Bago ko pinikit ang puyat kong mga mata nang hapong iyon, iniwan ko ang mga katagang "magbabago na ako."

No comments: