Hindi ibig sabihin na kapag ang isang organisasyon o samahan ay dumaan sa proseso ng pagpapalit ng panibagong lider nangangahulugang bulok na ang dating sistema. Ibig sabihin nito, hindi lahat ng binabagong estado ay kagigising lang mula sa bulok na sistema. Ang simpleng halimbawa nito ay ang pagtatalaga ng mga lider sa isang paaralan. Hindi nangangahulugan na ang dating lider ay hindi naging epektibo sa kanyang pamamalakad. Taon-taon tayo naghahalal ng bagong pinuno. Gaya ng Windows o Operating System ng kumpyuter. Taon-taon ay may ipinakikilalang bago, kaya naman, kung gusto mong palagi kang maging up-date sa daloy ng teknolohiya, kailangan mapera ka. Kaya tuloy, nagiging bulok na sa paningin ng mga tao ang mga nalulumang serbisyo na sa katunayan, maaari pa rin namang gamitin at pakinabangan.
Ngunit, nasa kamalayan ng yata ng mga Pinoy na kapag ang isang bagay ay dumaan sa proseso ng pagbabagun-tao, iyan ay sira na at wala nang pakinabang. Tulad ng aking upuang kanina’y kumpuni ni Itay.
Isa sa halimbawa nito ay ang pagtatalaga ng bagong dekana ng aming departamento: Liberal Arts and Education Department. Hindi lamang iyan, kasabay din nito ay ang pagtatalaga ng mga bagong Area Chair. Maging ako ay nagkaroon din ng maling konsepto ukol dito. Marahil, ay dahil sa maling salitang ginamit ko kanina, ang ‘pagpapalit’ na dapat ay ‘pagtatalaga’. Bagamat pareho ang nais ipabatid nito, naiiba pala ang kanilang pakahulugan. Sa aking pakikipag-panayam sa ibang mag-aaral at ilang guro, karamihan ay iba ang kanilang pagsusuri sa isyung ito. Kaya naman, pati tuloy pag-iisip ko ay na-‘windang’.
Mayroon din tayong kanya-kanyang paniniwala, ngunit, kailangan pala ay alam natin kung tama ang ating pinaninindigan.
Sa pagbabago- pagpapatuloy ng aming departamento, naiiwan ang hamon sa bagong talagang pinuno. Kung patuloy at patuloy pa rin binubulok ng mga taong nasa lipunan ang kanilang sarili, hindi na nakakabigla na mabubulok pa rin ang ating departamento o maging ikaw ay lalamunin na rin ng tinutukoy mong bulok na sistema.
P.S. – Thank You Dr. Bienvinida C. Artuz, Welcome Dr. Meda A. San Juan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
blog namin to sa Fil 4- Kontemporaryong Panitikang Pilipino
Post a Comment